《He ~ dden》 Prologue/Chapter One ''Is it about money, or unconditional love?'' We''re facing each other, staring at one another... "Chris..." Tawag n''ya, tinitigan n''ya ako mata sa mata. "I think, I love you..." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, "Whoa! Earl, alam mo ba ang sinabi mo?!" Lalong naging seryoso ang mukha n''ya (well, anong bago doon? Lagi namang seryoso ang mukha n''ya!). Hinawakan n''ya ako sa magkabilang balikat... "Alam ko kung ano ang sinasabi ko, and I''m willing to prove it." Unti-unting papalapit ang mukha n''ya sa''kin. Is he going to- *KRRRIIIINNGG!!!* "Waaahhh!" Natataranta kong hinanap ang alarm clock at mabilis itong pinatay. *Knock-knock!* "Young Master, breakfast''s ready! Maghanda na po kayo." "Nand''yan na!" Sagot ko, "Geez!" Matapos makapaghanda, lumabas na''ko ng kwarto at bumaba papuntang Dinning Area. "Good morning Young Master!" Bati ng mga Maids. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay sabay sabi ng- "Good morning din sa inyo!" I welcomed them with my most charming smile. "KYAAH~!" Tili nilang lahat habang kinikilig. Isinabit ko ang coat sa sandalan ng upuan at naupo, kaharap ang masungit yet napakagwapo, snobber yet matalino, ma-pride yet mayaman na nilalang na''to. Wait! That reminds me... Naalala ko na naman ang weirdo kong panaginip. There''s no way na gagawin n''ya ''yon! "Topher..." "Huh?" "What''s with the face?" "Ah-eh, w-wala! Wala!" "If you''re planning to back out, it''s too late. Focus on today''s event, got it?" Unauthorized use of content: if you find this story on Amazon, report the violation. "I''m not going to back out.." I mumbled. Psh! Kung hindi lang ito para sa pera, hindi ko na gagawin ang kahibangang ito! Oo nga pala, ang pangalan ko''y Chris Estrella-pero kalimutan n''yo muna ''yon. Because today... I''m Topher James Rutherford, 17 years old-and I have to play this role. Matapos kumain, naglakad-lakad muna ako papuntang library. Nakita ko ang isang maid na naglilinis ng bookshelf habang nakatuntong sa ladder. "Ah-!" Mabilis akong umaksyon para saluhin s''ya. "Y-young Master! Thank you po!" Si Miss Jana pala. S''ya ang personal maid ko. Maalaga s''ya at mabait, ''yun nga lang, medyo clumsy! "Basta sa susunod, mag-iingat ka." Ibinaba ko s''ya saka inihawi ang buhok n''ya sa mukha. "O-opo..." Ang buhay ko''y ''di na tulad ng dati. Kailangan kong maging si Topher, ang playboy, happy-go-lucky na kapatid ni Earl, at kailangan kong gawin iyon 24/7. Ngayon ay papunta kami sa company ng mga Rutherford, ito na ang katuparan ng contract namin ni Earl. Maraming reporters ang sumalubong sa''min kasama ang nakakabulag na flash ng mga camera! Pagkarating sa conference, tumahimik ang lahat... "Ehem! I''m here to announce one important thing..." Ang awkward ng katahimikang ito! "I, Christopher James Rutherford, is transferring all the Rutherford''s possessions and heritage to my older brother, Earl Rutherford!" Nagulat ang lahat ng nakarinig. Ang iba pa nga, feeling bingi-bingehan! Unexpected ang pangyayaring ito pero-ito ang nakasaad sa''ming contract. Let this He-dden game begin! Chapter Two *Tick-tock... Tick-tock...* Five minutes na lang bago mag-alas dose ng madaling araw. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng pamunuan ni Earl ang company nila. Isang linggo na rin s''yang inuumaga ng uwi, ni hindi ko nga alam kung natutulog pa ''yun, eh. "Sigh!" Napabuntong-hininga na lang ako kakahintay sa kanya. *BEEP! BEEP!* Oh! Baka s''ya na ''yun. Inabangan ko s''ya sa pinto. "Topher! Bakit gising ka pa?" Nagulat ako dahil sa mukha n''yang namumutla na sa pagod! "Bakit? Masama bang hintayin ka?" Sabat ko. "You don''t have to wait for me. Don''t you have a class tomorrow?" Sabi n''ya sabay panik ng hagdan, sinundan ko s''ya... "Sabado bukas, wala kaming pasok." "Good for you, now rest." "Makapag-utos, ah! Bakit ''di mo sabihin ''yan sa sarili mo? Mukha ka na kayang zombie!" Hahawakan ko sana ang noo n''ya nang mabilis s''yang umiwas. "I''m perfectly fine! My condition doesn''t concern you. If you don''t want to rest, find something to do and don''t disturb me, got it?" "Psh! Bahala ka nga sa buhay mo!" Tumalikod na''ko at nagwalk out. Papasok na sana ako sa kwarto nang- *BLAG!* ''Ano ''yun?'' Bumalik ako sa kwarto ni Earl, nakita ko s''yang nakahiga sa sahig malapit sa pinto ng kwarto n''ya. Stolen content warning: this content belongs on Royal Road. Report any occurrences."Earl!" Paghawak ko sa kanya, napaso ako sa init ng katawan n''ya! ''Tch! May lagnat s''ya!'' Agad ko s''yang inalalayan at inihiga sa kama. Agad akong kumuha ng yelo, tubig at towel. "Young Master, may problema po ba?" Tanong ni Miss Jana nang maabutan ako sa kusina. "Ayun! Nilagnat si Ear-este! Si Kuya! Pupunasan-" "Naku Master! Tulungan ko na po kayo!" "Ah hindi na! Ako nang bahala." Mabilis akong umakyat at bumalik sa kwarto n''ya. ''Tsk! Hindi pa pala s''ya nakakapagpalit ng damit!'' Natigilan ako nang maalala ang gagawin... ''Tch! Ano ba Chris?! Papalitan mo lang naman s''ya ng damit, no big deal!'' Ipinagpatuloy kong i-unbutton ang polo n''ya. Kahit naiilang, pinunasan ko ng maigi ang mainit n''yang katawan saka s''ya pinalitan ng damit. "Cough! Cough!" "Heto, uminom ka ng tubig." Matapos n''yang uminom, bumalik na s''ya sa pagkakahiga. "Kasi naman! Wala pa lang sakit ah! Sino kaya ang araw-araw mag-overtime? Dinaig mo pa ang kalabaw, ah!" "I don''t need to listen to your nonsense teachings." "Nonsense teachings mo mukha mo! Makinig ka kaya!" Nakakapikon na s''ya, ah! "So you expect me to thank you? Let me remind you that you''re the one who should be thankful. Without my money, no one will save you. Remember your place." Nainsulto ako sa sinabi n''ya. Ang mas nakakainis, totoo ang lahat ng ''yon! "Naiintindihan ko, magpahinga ka ng maigi. Ibababa ko lang ''to." Tumayo ako sabay kinuha ang tray at bumaba.